+ + + >melon reminds me of the sweet scent of my friend's cologne
+ + + > melon makes me think of a hearty meal matched with a glass of milk
T.G.I. Friday’s on a Saturday: Adventures at Kalokohan
April 24, 2007Last Saturday, pumunta kami sa tita ko sa Fairview para kunin yung longganisang uwi ng mga pinsan ko galing Ilocos. Grabe the best yung longganisang yun, yummy! Doon na din kami ng lunch sa tita ko. Nandun din yung mga pinsan ng mama ko. Hindi ko nga sila kilala e pero nakakatuwa, ganoon din kaya kami pagtanda? Hehe, ang weird kasi ng dating nilang magpipinsan, parang mini-reunion na din. Ang sarap din ng food dun, andaming crispy pata, huhu food na naman. At inallergy ako afterwards sa crispy pata na yan ha.
Sandali lang kami dun. Pagkatapos pumunta na kami sa Makati para bumili ng pillow covers para sa 1st year death anniversary ng tito ko. Well, akala ko pillow covers lang yung bibilhin nila mama, but no. may kasama pillows talaga. Pretty ironic kasi sobrang dami na ng throw pillows namin. More than 20 siguro, na natatabunan na yung couch at hindi ka na makakaupo pag ginamit ng sabay-sabay. Pero sige yun yung gusto nila e, e di go. Kami nila kuya(cousin) at ej(bro), pumunta sa Toy Kingdom. Nagtingin kami ng gameboy ang liit nung micro na gameboy, ok lang. Maganda yung Nintendo DS Lite. May wifi ready ekek na siya at organizer. Basta cute siya, gusto ko nun!! Kaso nakastylus yun kaya nagdodoubt din ako kung mabilis ba talaga yung DS, baka kasi maghang. At etong si kuya parang praning. Matapos pahirapan yung saleslady sa pagsasalestalk sa kanya e bigla niyang tinakbuhan. Actually, babayaran na lang talaga yung gameboy, nasa counter na nga at nasa kanila na yung card ni kuya. Kaso ang tagal kasi talaga grabe as in dumating na sila mommy(tita) galing sa home stuff section e wala pa. Kaya yun, sabi niya sa sales lady hihiramin lang niya muna yung card may iswiswipe lang muna siyang iba. Syempre di na namin binalikan. Nakakakahiya talaga, madalas pa naman akong dumadaan dun from UP para magtingin-tingin ng laruan. Nakakatuwa kasi.
Syempre hindi pwedeng umuwi ng hindi kumakain. Kaya yun, NagFriday’s kami. Si Mommy nagpappicture kasama yung server, nakakatawa. Sabi na lang nila kuya e balikbayan si Mommy, halos maibuga ko na yung iniinom ko, hehe. Syempre nagpicture din ako ng food. Nahirapan lang akong kumuha ng magandang angle kasi tinatago ko yung phone ko sa ilalim ng tissue, hehe. Hindi ko din nakunan yung malalayo sa akin na food. Masarap yung food nila, lalo na yung chicken salad. Ok din yung fillet at camaron sa fisherman’s platter, di ko alam kung anong fish yun e. Masarap yung sauce ng baby back ribs nila. Yung fries, parang sa Max Brenner, hmmm good, good. Yung pasta Alfredo medyo bland para sa akin pero sabi nila mama masarap daw. Here’s the shots:
southwestern chicken ceasar salad
fisherman's platter
chinatown imperial ribs
At, ako mukhang malungkot pero ang totoo e busog na! hehe.
Previous Comments
nako alam mo i don’t think allergy reactions yan! your body is simply telling you, ‘tama na ang kain!!!’
hahaha
Posted by steph at April 24, 2007, 11:18 pmon li: oo nga e, tsaka nakakaantok din pag busog lalo na pag sweet foods yung kinain mo
on steph: diet na nga ko tol e, ayaw lang umeffect huhu..
Posted by yann at May 7, 2007, 1:08 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



haha, bakit ganun nga naman, pag mukhang malungkot busog lang talaga! may hula ako. tingin ko kasi pag busog na, tahimik na kaya hindi na umiimik, para tuloy nawalan ng boypren. ^_^
Posted by li at April 24, 2007, 3:20 pm