I thought life would always be sweet and bright but in reality it's not!!! Sometimes you have to taste the sourness of it. But, who says sourness can harm much???

+ + + >melon reminds me of the sweet scent of my friend's cologne
+ + + > melon makes me think of a hearty meal matched with a glass of milk

Home » Post Item » My Uod Encounter

My Uod Encounter

May 26, 2007

UODBUSTER SONG 

(ghostbuster)

 

 

If there's something strange

in your store

Who ya gonna call?

UODBUSTER!!!

 


If there's something weird

and the smell’s not good

Who ya gonna call?

UODBUSTER!!!

 

 

Last Monday ang pinkakadiring araw sa buhay ko! Umuwi kasi sila mama sa probinsya kasama sila Mommy at Auntie Nini nung Linggo kasi na mild stroke yung lolo namin, bless him. Siyempre ako ang incharge sa bahay pati sa tindahan kasi lahat ng naiwan sa dito e mga working people, ako lang ang petiks. Actually, nandito rin ngayon yung pinsan kong nagbabakasyon kaso wala siya nung nangyari ang karimarimarim na insidente! Tsktsk malas talaga. 

 

Dahil katatapos lang ng eleksyon(ayoko sanang i-mention ‘to kasi mukha na akong pulitika) e sumasabay sa pagiging petiks ko ang pangungulekta ng basura sa amin kasi nga naman wala pang maguutos at magpapasweldo sa kanila. So yun na nga tama iniisip mo, nagtambak ang basura sa amin! Idagdag mo pa na last Saturday e 1st year death anniversary ng tito ko, so marami talaga kaming basura.

 

Sunday palang, nagstistink na yung basura namin. Kala ko nga patay na daga e, pinahanap ko pa kay mama bago sila byumahe. Pero syempre hindi niya nahanap. Pagising ko around 8:30, pagkatapos magwash e dumeretso na ako sa tindahan para magbukas. Magisa na lang ako sa bahay nun. Ewan ko ba bakit ako natulala sa may gripo at nakita yung maraming maggots. Isip-isip ko, “shet sabi ko na nga ba! I have to deal with this alone huhu”. Naasar pa ako kay mama kasi hindi niya nahanap yun, ako tuloy ang kelangan umayos.

 

Napagload tuloy ako ng wala sa oras. Tinawagan ko yung mama ko. Nagpanic kasi ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Inisip kong tapunan ng asin kaso baka maging matabang yung lunch ko at dinner namin sa sobrang dami nila! Naiinis pa ako lalo kasi tinatawanan lang ako ng nanay ko, look who’s talking e takot nga siya sa uod ako nandididri lang, hehe. Sabi niya magpaiinit ako ng tubig  tapos ibuhos ko sa kanila. Grabeee halos sampung set ng tubig sa kettle ang napakuluan ko pero undefeated sila sa akin. Ang tibay! Hindi sila gaanong tinatablan ng maiinit na tubig. Mind you, sobrang init talaga nung tubig na binubuhos ko as in hinihintay kong sumipol yung kettle, scalding hot!

 

Matatalo na ako! Naco-conquer na nila yung tindahan namin. Shetness talaga, kadiri! Tapos nung accidentally naurong ko yung cooler, potek!, andaming maggots sa ilalim, huhu. Tapos nung inurong ko pa ulit may lumabas na ahas-like creature na sobrang bilis. Siguro ¾ ng ballpen yung length pero slimmer. Nagfreak-out talaga ako. Para akong bading na nire-rape sa pagtili ko. Alam kong hindi ako nag-iimagine, nakita ko talaga promise. It really scared the hell out of me, kaya ano pa bang gagawin ko e di umiyak na ako!  

 

Pero siyempre, hindi naman pwedeng titigan ko lang sila, kelangan ko silang i-exterminate kaya habang umiiyak at nakasampa sa upuan e binubuhusan ko sila ng maiinit na tubig(na hindi effective) at winawalis. Nakakahiya talaga!

 

Ang ending e hindi na ako naglunch kasi nawalan ako ng apetite. Ka-itsura niya kasi yung kanin e. Nagsarado ako ng tindhan kasi tinoyo na ako.

 

Kinabukasan may mga nag-alok na hakutin yung mga basura namin for hundred bucks. Hindi na ako nagpaalam. Pumayag na kagad ako kesa naman maulit pa yung nangyari sa akin… Gross!

Posted by sourmelon at 1:24 am | permalink

Previous Comments

uod busterrrr! hahaha! benta… pero shiet ang gross nga nung ¾-ng-ballpen-pero-slimmer-creature!!! ewwww

Posted by helen at May 26, 2007, 10:21 pm

wahahhaha ganyan talaga!!! sabi ng uod, mandiri ka maryann para magdiet ka!

:p
magblogspot ka na ineng. hehe.

Posted by steph at May 26, 2007, 11:09 pm

on helen: oo nga e, dun ako umiyak kasi akala ko kakagatin ako, pano na lang kung may lason yun , e di namatay akong magisa sa bahay sa paligid ng mga uod,,

on steph: heh! oo magbloblogger na rin ako, ambagal kasi dito e, ahehe

Posted by sourmelon at May 28, 2007, 11:34 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment